Wednesday, February 18, 2009

CHINCHIN TABERU

Hello, hi, musta?, kamustasa?, moshimoshi?, aloha, tagay!, cheers!, salute!, kampai!, chinchin taberu!. . Heto at nagpapansin na naman aco sa inyo. Wala lang acong masabi at hindi co alam kung paano co sisimulan ito. Katulad ng dati wala ito sa plano co. Ngayon pa lamang aco mag-iisip ng isusulat dito kaya sabayan n'yo na lang din ang takbo ng isip co.

Plano? Wala naman talaga acong mga eroplano. Hindi rin
aco organisadong tae. Hindi katulad ng iba o katulad n'yo. Kung minsan ay nililista pa ang mga dapat gawin sa pang araw-araw. Hinahayaan co lamang tumakbo ang mundo co sa kung paano nito gusto. Kung magkakatrahedya o magiging O.A. sa kasiyahan. Gumigising aco kung kelan gusto ng katawan co, natutulog aco kung kelan aco hinahatak ng kama co o kahit kama n'yo.*lol

Kahapon ay nakakuha na rin aco sa wakas ng sedula, driver's license at postal i.d.. Matagal co na ring gustong kumuha nito kaso ayoco nga ng pinaplano dahil hindi co rin nagagawa. Kahapon ay binodyakan lang aco ng ermatz co at pinasabay acong kumuha ng mga ito sa kanya. Odiba? Nananahimik acong nagmumunimuni kahapon, heto at may pagkakakilanlan na aco bilang isang legal na tao sa mundo. Marami pang kukuni si ermatz tulad ng SSS at kung anek-anek, hihintayin co na lang din na alugin n'ya ulit ang stuck up cong ulirat.

Bakit nga ba aco ganito? Kung minsan ay naiinis aco sa sarili co dahil kung minsan ang dami cong hindi nararanasan dahil wala acong eroplano. Maaring dahil ito sa paniniwala co sa kapalaran. Kaya wala rin acong nararating sa buhay dahil naghihintay na lamang aco sa kapalaran co. Paano co nga ba naman matatagpuan ang kapalaran kung walong beses sa isang lingo ay nasa loob lang aco ng bahay? Maari din na gumagawa na lamang aco ng mga alibi dahil ang totoo ay likas lamang acong tamad. Wala acong maisasagot dahil hindi co pa rin maiisip kung ano ang isasagot. Kahit ano pa itong pinagsusulat co ay hindi pa rin magbabago ang takbo ng isip co. Maghihintay lang aco ng kung ano, bahala na kung bahala na. Basta bahala na!

Ito ang lagi n'yong tatandaan, walang kinalaman 'to sa lablayp co ngayon. Ang totoo ay hindi ganun kaboring ang buhay co. Sa totoo lang ay sobrang gulo lang ng takbo ng utak co, sa sobrang gulo ay mas minabuti cong 'wag mag-isip at hayaan na ang mundo na lang ang maguluhan sa akin kesa aco ang maguluhan sa mundo. Ika nga ng may ika: Sumabay sa agos ng buhay. WATEBER!

Monday, February 9, 2009

MALIIT BA BOOBS CO?

Wala acong planong mag post at mag sulat pero heto at ginagawa co. Wala kayong magagawa. Pagpinakialaman n'yo co pakikialaman co rin kayo, sige! Masyado kasing maganda ang nangyayari sa buhay co kaya hindi co mapilantik tong mga daliri co nitong mga nagdaang araw. Kayo ba naman ang mawalan ng PSP, cellphone, pera, mabasagan ng windshield at mabutasan ng mga gulong. Sino ba naman ang gaganahang mabuhay? Bwakanang buhay 'to! Nakakatakot na gumising sa umaga baka may kung ano na naman ang mawala. Baka pag gising co wala na pala acong bahay. Ang swerte ng taon na 'to sa'kin. Ganap acong pinag pala. Peste!

Pero ayaw co naman madamay kayo sa kabadtripan co. Pero mabadtrip na rin sana kayo para sa'kin. Pero naiintindihan co ang buhay at hindi naman talaga araw-araw pasko. Ang dami co pa naman sanang plano ngayong araw ng mga pooking ina! Wala na! Pinalitan co lahat ng plano co ng pagtulog maghapon magdamag. Noong pasko lang ay naibenta co na ang iPOD co. Wala na yatang natira sa'kin. Pero alam co naman hindi aco pababayaan ni papa God. Malay natin manalo aco sa lotto. Ang laki pa naman na ng premyo. Makakabili aco ng kahit 100 rice cooker. Foodtrip! Kaso hindi pala aco nataya ng lotto. Hindi co kasi maintindihan 'yung paksyet na palarong 'yon. Ganito pang may ginintuang utak aco, hindi talaga aco ganoon kabilis makapick-up.

Maiba ang usapan. Magbabati lang aco. Batiin co rin kayo. Bati lang ng bati. Batian tayo. Salamat sa mga nagbanggit ng pangalan co sa blog nila. Pati na rin 'dun sa hindi marunong magbati. Pati sa mga pasmado na kakabati. Salamat kay Joshmarie ganda babai, burat ni Buraot, Marcopaolo laki ulo at Mavs ulahlah. 'Dun sa iba kung hindi co kayo nadaanan at di co nakita ang pagpapasalamat at pag damay n'yo sa nanahimik cong blog at pangalan, magreklamo kayo sa pinakamalapit na barangay. Kutusan n'yo co kung kaya n'yo para mapasalamatan co rin kayo. Syempre ispesyal tenkyu kay Pajay sa malikhain nyang mga kamay. Siguro madalas din s'yang magbati. Kaya heto at nakabuo s'ya ng malupit na obra.

Ito daw ay ang pangarap ni Pajay na pinangarap co rin at pinangarap din ng iba na getugeder ng mga blogistang matitigas ang mukha. Kung nakita n'yo na 'to sa page n'ya wala acong pake, basta ilalagay co 'to dito dahil sobrang naaliw aco kahit ang liit ng boobs co sa drawing samantalang 'yung iba nakakalunod ang mga balakang. Sana din nakakandong aco kay Kosa d'yan o 'di kaya nakaupo sa maskels n'ya.

Kung mang yayari 'to edi ayos! Basta astik na astik s'ya para sa'kin. 'Yun lang. . .
.

P.S. Mike mag pakita ka na! .

Friday, January 30, 2009

Eva Fonda

"Noon....... akala co...... ang wagas na.....
......pag-ibig......ay sa nobela lang.... matatagpuan.......
...... na para bang kay hirap..... na paniwalaan..."


O diba? Pangako sa'yo ipaglalaban co. Sakto pala ang post co na'to dahil nalalapit na ang araw ng mga nagsisikipang kwarto. Dahil tungkol ito sa puso(n) co. Kung sa tingin n'yo ay babaliwalain co na ang ipanangako cong paliwanag sa nagdaan cong post na parang hindi masyadong matanggap ng karamihan ay sinisigurado co na wala naman talagang sigurado sa mundong ito. Pero sa totoo lang ay nais cong liwanagin ang mga bagay na sa tingin n'yo ay wala namang kwentang liwanagin.

Kokoreksyonin co lang ang naging pagtingin ng karamihan. Hindi aco TIBO! Utang na loob! Sa mata ng mga malilinaw na mata at kahit may grado pa ay babae pa rin aco. Pero sabihin na natin na maaring may tama sila, pero hindi pa rin! Isa lang ang masasabi co... Walang baliw na umaming baliw sila! *hahaha

Narito ang istorya:
Madalas na acong pagkamalang tibo, tomboy, lesbiana, Aiza, kfc noon pa man. Hindi co na rin itatago na mayroon din acong nakarelasyong mga babae noon(mga!). Ano ang gagawin co? Akala kasi nila it's finger licking good aco. Ni hindi co nga sila niligawan, sadyang busilak lang talaga ang aking kalooban(naks!). Habang tumatandan at lumalaki na ang hinaharap co at di na maitago ng masikip na sando ay naisip cong dala lang siguro ng kabataan ang pakikipaglaro sa mga KAPWA CO MAHAL CO. Hanggang sa mangarap acong magsuot ng wedding gown. Nais cong maglakad sa altar na suot ang napakahabang telang puti na gawa sa pinagtagpi-tagping basahan sa kusina ni lola Basyang(lol). Kaya bigla acong nag disapir sa mundo ni Aiza Sigera dahil ninais cong magpanggap na normal(pero abnormal pa rin aco).

Napadpad aco sa mundo ni Eva at Adan. Sa madaling salita nag karoon ng Adan sa buhay co, pero hindi parin naging aco si Eva Fonda. Hindi aco nagtatagumpay at lagi acong nabibigo dahil sa gulong ng palad(aww! anong kadaramahan 'to!?). Dito nagsimulang gumulo ang memory card na nakasalpak sa ulo co at ang makinang gumagalaw sa ilalim ng malulusog cong dibdib.

Sino nga ba aco? Hindi aco si Eva na nagpapanggap na Adan at lalong hindi si Adan na nagpapanggap na Eva. Kung ganon, aco ba ang ahas na tumutukso sa kanila? *hahaha

Sa ngayon ay may dalawang tao sa buhay co. Itatago co na lang sila sa pangalang Domeng at Mameng. Alam co na may mas matimbang sa nararamdaman co para sa kanila. Pero ayoco na may isa sa kanila ang mawala. Dahil na kay Mameng ang lahat ng wala kay Domeng at na kay Domeng ang lahat ng wala kay Mameng. Ang mahalaga sa ngayon ay pareho nila acong tanggap. Nakakaloka diba? Pero hindi co alam hanggang kailan nila tatanggapin kaya kailangan co ring mamili sa huli(naks! ikaw na sa kalagayan co). Hindi co pa kaya mamili sa ngayon pero alam nating lahat kung para saan tayo. Hindi co pa lang talaga kaya at hindi pa aco handa. Okay? Ayoco na rin masyado munang mag-isip dahil masyado ng magulo.




Wala nang mas gugulo pa sa mundo ni Eva Fonda.

Tuesday, January 27, 2009

'Sino ang tunay na Baliw?' at 'Half Crazy'


Dahil nagbalik na aco sa mundong 'to. Heto at nandito na naman aco. Nakakatakot na baka magsawa kayo sa nakakaumay na alindog co. Ngunit para mapatunayan na bumalik na talaga aco ay ipinapangako co sa kataastaasang nagbabanalbanalang mga impakto na hindi na aco mawawala ulit ng ganoon ka tagal. 'Pag naulit pa 'yon ay ibig sabihin patay na. . . ang internet co kasi tatlong buwan na acong hindi nakakapagbayad. *haha

Dahil hindi co pa talaga naaamin sa inyo ang sikreto cong hindi pwedeng malaman ng hindi natin kaclose na nilalang ay ngayon co na talaga ibubulgar. Tungkol sa nagpapagulo sa isip co. Hindi co alam kung ano ang magiging reaksyon n'yo o maaring maging tingin n'yo. Kung ano pa man ay importante din na malaman co ang nasa isip n'yo, para naman maisalin co sa isip cong nilalangaw. Pero sana ay huwag n'yo muna acong husgahan kung ano man ang malalaman n'yo kasi hindi n'yo naman aco pwedeng ipako sa krus 'pag nagkataon. Ang mahalaga sa akin ay maintindihan n'yo aco at nawa'y maliwanagan ang utak cong brawn-awt.

Noong panahong duda ang pamilya co sa akin ay wala acong paki-alam. Ngayon ay natatakot aco na malaman nila na totoo pala ang naging duda nilang kadudaduda naman talaga. Kahit aco ay duda kaya ayos lang kung mag duda din kayo. Noon ay hindi importante sa akin ang usaping ito pero habang tumatagal ay ito na ang isa sa nagiging dahilan ng pagkanta co ng 'Sino ang tunay na Baliw?' at 'Half Crazy'.

Meron acong dalawang mata at nagiging dalawa na rin ang paningin co. Dalawa, hindi isa pero pwedeng tatlo o apat. Isa lang ang dila co pero may dalawa acong panglasa. Pinagugulo co lang ang usapan para may thrill na tinatawag pero alam cong wala pa ring dating. Ang ibig co talaga sabihin ay babae aco. Babaeng babae pero hindi lang lalake ang gusto co. Hindi co alam kung paano co rin ipapaliwanag pero matagal co na itong nararamdaman at ngayon lang aco talaga naguguluhan. May dumagdag pa kasi na lalong nagpagulo. Ang gulogulo talaga. Kailangan co pa bang ituloy 'to? Baka maguluhan na din kayo. *sigh

'Wag kayong mag-alala kahit kaplastikan lang ay 'wag nyong gagawin. Alam co kung saan aco dapat lumugar at ang hindi co lang alam ay kung paano kokontrolin ang sarili co. Kaya dito na lang muna at itutuloy co pa rin ang kwentong 'to 'pag kaya co na ipaliwanag ng mas malinaw na parang ihi co lang. *winkz

Saturday, January 24, 2009

WELCOME BACK! TAGAK!


Kumusta na mga kaibigan? Naalala n'yo pa ba co? Sana wala kayong mga memory gap at matandaan n'yo pa kung sino aco sa mga buhay n'yo. *haha. . Katulad ng sinabi co sa huling bisita co dito ay inatake aco ng malalang karamdaman sa katamaran. Medyo malala na ang kalagayan co. Nasa kritikal na kondisyon na kung tutuusin. Pero dahil may mga taong naghintay at umasang titibok pa ang aking isipan ay minarapat cong bumalik. Sana tuloy tuloy na 'to para hindi na aco mawala sa mga isip, damdamin at pusod n'yo. Welcome back! Manikang puyat! Dahil malaki ang pagkakautang co sa inyo at hindi co binayaran dahil nagtago aco. Meron acong ipagtatapat sa inyo. Sana pagkatapos co itong isiwalat ay manatili itong sikreto. Atin-atin lang sana at 'wag n'yong ipagsasabi sa iba kung ano ang mababasa n'yo. Sino ba ang nakakaalam kung paano tumakbo ang isip co? Kahit kayo hindi co alam kung paano nakikipagmarathon ang mga utak n'yo sa araw-araw na ginawa ni fafa God. Sa totoo lang hindi aco sigurado kung tumatakbo ba talaga ang isip co o kung may isip nga ba talaga aco, baka imahinasyon co lang 'to at nagpapanggap lang acong taong may isip. Tutal nasa usapang pag-iisip na rin naman, sisimulan co ang totoong tapik co. Wala pa ring pagbabago, magulo parin ang isip co. Wala pa ring pagbabago kasi hindi co pa rin alam kung ano talaga ang nagpapagulo sa kapirasong laman sa ulo co. Wala pa ring pagbabago, hindi pa rin aco sigurado sa mga pinagsasabi co. Sino ba ang sigurado? Kayo ba sigurado? Basta aco hindi. Nitong mga nagdaang araw, buwan, taon, dekada, ano ang susunod? Hindi na natahimik 'tong tinatawag cong hugis utak sa ulo co. Isa na dito ang tanong na "Ano ba talaga ang gusto co?". Gusto co ng burger pero mukhang mas masarap ang pizza. Dati duda sa akin ang pamilya co. Bakit? Ewan co sa kanila. Duda sila kung ano ba talaga aco. Basta aco sa pagkakaalam co tao aco. 'Wag na kayong magtaka kasi kahit noon pa si George Estregan na talaga ang idol co. Siguro dahil sa mga duda at tukso na 'yun kaya medyo naging alanganin aco. Dahil ayoco rin naman na humaba ng todo 'to, itutuloy co na lang para siguradong makakabalik aco. Ito na ang pagbabalik na panibagong manikang ungas sa buhay n'yo! Wahahaha! Guguluhin co mga buhay n'yo!

Monday, January 12, 2009

MALAKING ?

Ilang araw at lingo na ang lumipas. May ilang nagulat sa bigla cong pagkawala sa blogosphere. Kahit aco nagulat kasi hindi co alam saan aco nag punta. Gusto co sana bumalik, pero hindi co alam bakit tila may kung anong pumipigil sa akin. At dahil wala naman acong sinusulat na matino, 'wag n'yo aco intindihin dahil ang totoo lang ay tinatamad lang aco. Wala ng ibang dahilan, as in WALA! Gusto co lang manahimik dahil masyado na aco maingay. Sana lang makabalik pa aco dito. Sana magkaroon na ng gamot sa katamaran. Namimiss co na kayo(alam n'yo na kung sino kayong lahat). Sa ngayon di pa aco handang bumalik. Bumibisita lang baka kasi tirahan ng impakto itong blog co. See yah!

Wednesday, December 10, 2008

daSALdaSAL MUNA

Naipangako co kay ginoong BURAOT na kukunin co ito. Isang tag na dasal na hindi co talaga alam kung ano 'to dahil hindi pa bumabalik ang ulirat co. Seryosohan daw 'to kaya kailangan maging seryosa aco kahit mahirap. Sumilip aco sa ilang bloggers na nagdasal din pero naguluhan aco lalo kaya hindi co na kinopya ang rules at ipaparating co na lang sa inyo ang dasal co ngayong nalalapit na eleksyon2010. Malapit na kasi 2009 na next year. Hindi pa nga pala aco bumoboto pero makikiisa na rin aco. Baka makaboto na aco sa 2010. Hindi pa kasi aco nagpaparehistro dahil hindi co alam kung paano. Bahala na!




KATAHIMIKAN: Papa God, aco po ay nananalangin sa inyo na nawa ay huwag n'yo na patakbuhin sa darating na eleksyon ang mga kilala n'yong nangungurakot. Ipinagdarasal co po na sana ay magkaroon ng payapa at patas na botohan at huwag n'yo po sanang hayaan na makalipad ang mga flying voters. Hindi na po aco naghahangad ng bonggang pagbabago sa bansang ito, ang nais co lamang po ay magkaroon ng matinong presidente na hindi nakakaimbyernang sundin. Malaki po ang maitutulong nito sa mga mamamayang Pilipino, lalo na sa aming mga kapos palad. (Hindi co po alam kung tama ba na isama ito sa hiling co, pero sana po ay walang nunal sa pisngi ang susunod naming magiging presidente upang hindi na po aco asarin ng mga kaibigan co sa showbiz.) Panginoon sa kataastaasang langit na walang sulok at walang pader, bigyan n'yo po kami ng presidenteng walang hilig sa pera upang hindi na po ito magnakaw sa kaban ng bayan. Isang presidenteng naniniwala sa "LIERS GO TO HELL". Hanggang dito na lang po at salmat sa pakikinig sa aking panalangin. Amen.


Hanggang dito na lang talaga dahil naliligaw ang diwa co. Pero bago aco tuluyang umisplit ay kailangan co ipasa ito para. . . para. . . para may pray din kayo.


Kayo naman:


Darkhorse(kunin mo 'to ha! hindi mo kinuha 'yung tag sa kabila!)

Kosa(meron ka na ba nito?)

Ms. Donna(gumaganti lang)
Rosana Roses(malay n'yo may blog s'ya)

Gloria('wag ka na tumakbo utang na loob)